Chapter Two – “Bakit mapanghi pa rin?”
Nang nagising si Karl, nasa loob na siya ng kwarto nila ni Joshua. Nakahiga siya sa ilalim ng maliit na double deck na naka-harap sa pintuan. Nakita niyang nakayos na ang gamit niya sa tabi ng cabinet sa kabilang dulo ng maliit na kwarto habang si Joshua ay naglalaro ng Chess mag-isa sa lamesa sa harap ng bintana.
Karl: Anong nangyari?
Josh: Hinimatay ka kasi nahiihi ka sa pantalon mo.
Karl: May babae. Haunted ba ‘tong bahay na ‘to?
Josh: Baliw. Wala. Sila lang yung nakatira sa kabilang kwarto. Yung nakita mo, si Issa yun. Kilala siya ng may-ari ng bahay kaya dito siya nakatira. Kasama din niya yung pinsan niya pero hindi sila multo.
Karl: Eh babae sila, bakit? Akala ko lalake lang lahat dito
Josh: Co-ed tayo dito. Kaya nga masaya eh. Ayaw mo? Maganda ‘yung si Issa. Pati yung pinsan ‘non! Swerte mo nga eh, hindi nalabas ‘yon kung hindi pa nakabihis. Ano ba nakita mo? Maputi?
Karl: Teka. Naguguluhan ako. Ibig sbihin, may dalawang babae sa kabilang kwarto? Pano tayo maliligo? Share?
Josh: Ayaw mo ‘non? I said, co-ed nga dito. May babae, silang dalawa, tapos may mga lalaki, tayong dalawa tsaka si Topet, doon naman siya sa kabilang kwarto. As for the CR, lalaki lang ang gagamit ng common CR, which by the way is on the first floor tapos ang girls, may sarili silang CR sa kwarto nila.
Karl: Nasa baba ang CR? Bakit hindi ko nakita?
Josh: Ewan ko sayo. Nakasalamin ka na nga, bulag ka pal.
“Checkmate.”, banggit ni Josh habang naglalaro mag-isa.
Karl: Kalaro mo sarili mo? Loner ka?
Josh: Hindi ka talaga nagbago. Gago ka pa rin.
Tumayo si Karl at nagikot sa maliit na kwarto. Nakita niya ang mga throphy ni Joshua na nakalagay sa ibabaw ng aparador nito. Isang varsity si Joshua. Magkaibigan sila ni Joshua simula pagkabata. Halos sabay lumaki ang dalawa sa Cavite. Magkaklase sila mula Grade One hanggang Grade Six pero lumipat sa Maynila nung nag-‘High School’ dahil nakakuha ng scholarship bilang varsity ng Chess.
Josh: Inakyat ko na rin pala mga gamit mo. Maligo ka na sa baba, ang panghi mo eh. Yung pintuan malapit sa painting yung CR. May shampoo na ‘don pero magdala ka ng sabon mo. Sira yung flush kaya mag-tabo ka pag tatae ka.
Natatawa lang si Karl habang kinukuha ang mga gamit niya panligo. Mapanghi na talaga kaya dapat lang maligo na siya.
Hiyang-hiya pa rin si Karl habang unti-unting binubuksan ang pinto ng kwarto nila. Tumingin muna siya sa kanan at kaliwa para masiguradong walang makakakita sa paglabas niya. Bakat pa rin sa pantalon niya ng ihing marka ng unang araw niya sa bahay.
Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdanan. Tahimik ang baba at tila wala namang nabulabog na kapitbahay sa sigawang nangyari kanina. Inisa-isa niya ang mga pintuan sa baba para hanapin ang CR nang may dumating na lalaking naka-pulang polo.
“Hello?”, tanong ng lalaki.
Karl: Hello. Hi, ako nga pala si Karl. Kaibigan ni Josh, bagong roommate niya.
Inabot ni Karl and kanang kamay niya habang nakatakip ang kaliwa sa basang pantalon niya.
Topet: Topet nga pala. Hi.
Matagal na tinitigan ni Topet si Karl bago nito binitawan ang kanyang kamay. Nang papasok na si Karl sa banyo, biglang humabol ng conversation si Topet.
Topet: You look familiar. Hindi ko alam kung saan kita nakita, pero nakita na kita.
Karl: Hindi ko alam. Sorry pare.
Topet: Seryoso, i think i saw you somewhere. I just really can’t figure out where.
Karl: Inenglish mo lang pre.
Hindi alam ni Topet kung anong irereact.
Karl: Sorry, joke lang.
Topet: Mukha ngang kaibigan ka ni Josh. Anyways, I’m Topet. Doon ako sa kwarto sa tapat niyo. Film Major. Ikaw?
Karl: Engineering. Electrical.
Topet: Ah. Matalino ka pala. Don’t tell me scholar ka din like Josh?
Karl: Scholar din. Si Joshua, Varsity Scholar. Ako, Academic Scholar. Magkaiba yun.
Tumawa ang dalawa.
Sa gitna ng tawanan ng dalawa, biglang naamoy ni Topet ang kakaibang amoy.
Topet: Ano yung mapanghi?
Hindi nakapagsalita si Karl.
Topet: Pre, de-tabo tayo sa pagflush ng toilet ah.
Ngiti lang ang naisagot muli ni Karl bago siya pumasok sa CR. Dumeretso sa dining area si Topet para itimpla ang juice na binili sa labas. Malipas ang ilang minuto, bumaba na si Josh dala ang isang plastik ng tinapay at dumeretso sa kitchen para mag-merienda.
Josh: Topet! Nakita mo na kaibigan ko?
Topet: Oo! Nasa CR. Naliligo ata. Gusto mo ng juice?
Josh: Sakto. Tinapay?
Topet: Hindi bagay ang juice sa tinapay. Mas bagay sa tinapay, pansit! May Pancit Canton ka?
Josh: Kung ayaw mo, fine.
Topet: Desperate times calls desperate measures. Akin na yan. Teka, gawa ka ng palaman.
Inabot ni Josh ang supot ng tinapat sabay punta sa kusina para gumawa ng palaman.
Topet: Saan mo naman nakilala yun? May mga kaibigan ka pala.
Josh: Kababata ko. Bago sa Manila kaya pinasama sakin ng nanay niya.
Topet: For good? Ilang buwan siya dito?
Josh: Hanggang gusto niya! Ikaw, gusto mo ba na dito siya?
Topet: Weh? Di nga?
Josh: Di nga?
Topet: Babatukan na kita.
Nagtawanan lang ang dalawa.
Topet: Pero seryoso, ano yung mapanghi? Kanina pa yun.
Hindi nagtagal ay may dumating na babae sa bahay. Isang matangkad at magandang babae. Nakasuot ito ng puting longsleeves at maong pants. May dalang mga paper bag mula sa isang kilalang Clothing Brand. Hindi nito pinansin ang dalawang lalaking nagtatawanan sa baba at dumeretso ito sa kwarto sa taas. Hindi nagtagal, sumigaw ito.
“Joshua! Anong ginawa mo kay Issa?”, sigaw ng babae.
Josh: Patay. Nagsumbong.
Itutuloy...