Wednesday, May 30, 2012

Fivesome - Chapter Four

Chapter Four – “Bakit ang bagoong, malansa?

Sinundan ni Josh si Karl paakyat sa kwarto nila. Patapos na magbihis si Karl.

Josh:      Mukhang Mister Swabe ka na ah. Siguro, nagprepare ka ng maigi bago ka pumunta dito.

Karl:       Ha?

Josh:      Ang kapal na ng bigote mo. Mag-ahit ka nga.

Karl:       Ah! Ayos diba? Mister Swabe!

Josh:      Bahala ka. So, ano nga nakita mo kanina? Maputi ba?

Karl:       Ngayon ko lang nalaman, manyak ka pala.

Josh:      Don’t tell me bakla ka?

Kakatok si Topet at papasok bigla.

Topet:   Mangga with bagoong?

Karl:       No, Thanks. Alergic ako sa bagoong.

Josh:      Hindi nakain ng malansa ‘to.

Topet:   Masama mangalok?

Aalis na si Topet.

Karl:       Ano ba yung si Topet?

Josh:      Artist daw siya eh. Artist.

Topet:   (Pasigaw) I can hear you Josh! And Karl, Hindi ako bakla!

Josh:      So, how about Issa? Okay diba? Kaya excited akong dito ka na magstay eh. May wingman na ko!

Karl:       Wingman, for Issa?

Josh:      (Tatawa) Kay Issa? No way! Hindi kaya siya maganda!

Karl:       Pero hindi rin naman siya panget.

Josh:      Well. Sabi mo eh. So, maputi ba? Mabango?

Karl:       Hindi ko sasabihin sayo. Manyak ka eh. Baka mamaya hindi mo ko patulugin mamaya sa uga ng kama.

Josh:      No way dude! May CR naman.

Tatawa lang ang dalawa.

Josh:      So, ano nga?

Karl:       You just have to find out on your own.

Tatahimik ang dalawa.

Karl:       Eh si Tin? Kristine am I right?

Josh:      Sinong manyak sating dalawa, ngayon?

Tatawa ang dalawa. Bababa na sila para samahan ang mga ibang mga tenant. Maabutan nilang kumakain na ang tatlo ng mannga na may bagoong.

Karl:       Sorry ulit dun sa kanina. Ako nga pala si Karl. Dito na ko magst-stay. Hello.

Tin:         Nagpakilala ka na kanina, diba?

Topet:   Since nakaligo ka na, gusto mo ng mangga?

Karl:       Yung walang bagoong.

Uupo si Karl sa tabi ni Topet at Tin hbang uupo naman si Josh sa tabi ni Issa at kakainin ang natirang tinapay niya.

Karl:       Ganito kayo ‘pag weekends? Nasa bahay lang?

Issa:       Depende, minsan hindi kami nagpapansinan. Ngayon lang kami sbay-sabay kumain. Oo nga no? Wow. This is nice. I’ll tweet this.

Tin:         Hindi kasi nasama ‘tong si Josh. And ngayon lang umuwi ng maaga ‘tong si Topet. Weird, but may point si Issa.

Josh:      Wow. Dumating ka lang, nagbobonding na lahat.

Topet:   And in fairness, ang bango mo na. Hindi ka na mapanghi.

Hindi iimik si Karl sa sinabi ni Topet. Patuloy maguusap-usap ang lahat sa dining area. Nagtatawan.
Kumakain sila ng mangga habang umiinom ng juice.


Itutuloy...


No comments:

Post a Comment