Saturday, May 26, 2012

Fivesome - Chapter Three

Chapter Three – “Bakit ka galit?

Humarurot pababa ang babae kasama si Issa. Humahagulgol pa rin si Issa kahit kulang-kulang isang oras na matapos mangyari ang insidente. Nakasuot na ng damit si Issa ngayon, naka-short at naka tshirt na may malaking Logo ng University niya.

Issa:       ‘Yung kaibigan ni Josh. Nakakainis ka.

Sabay hampas sa balikat ni Josh.

Josh:      Anong ginawa ko? Hindi ko nga alam na dadating siya eh.

Issa:       I hate you. I so hate you forever.

Ginaya ni Josh ang tono at galaw ni Issa. Lalo itong nagngangawa.

“Tumigil ka. Kakalbuhin kita kung hindi ka tumahimik.”, takot ng babae kay Issa.

Issa:       Yes, ate Tin.

Magpinsan sina Issa at Tin. Hindi man naglalayo ang edad ng dalawa, kitang-kita sa kilos at galaw ang layo ng maturity level nila. Asal kinse anyos si Issa na kaka-debut lang nung isang buwan kung ikukumpara sa motherly figure na si Tin. Nagla-law si Tin sa isang sikat na Law School sa Katipunan.

Tin:         Ano ba kasi ang nangyari Josh? Am I just over-racting or your friend really did something?

Josh:      Nagkatitigan lang sila ng matagal. Akala ng kaibigan ko, CR yung kwarto niyo. Eh saktong labas nitong si Issa, na nakatapis lang. Edi ayon. Nagsigawan sila.

Tin:         Tapos? Anong ginawa mo?

Josh:      Nong dumating ako, wala na. Nakita na nila ang isa’t isa. Hindi ko man lang sila naintroduce. His name is Karl by the way.

Tin:         (kay Issa) OA ka naman pala eh! Hindi ka naman ni-rape.

Issa:       I felt harrassed.

Josh:      Don’t wory. He felt harrassed to. Lugi kaya siya, ang gwapo ‘non, tapos ikaw lang makikita niya dito sa Manila. Nako uy! Habulin ‘yun! Swerte ka na kung makitaan ka ‘non!

Issa:       Excuse me! I’m not cheap.

Josh:      But you’re on sale. What’s the difference?

Issa:       Whatevs. Fuckyow.

Tin:         Eh Josh, anong sabi ng kaibigan mo?

Josh:      Wala. Naihi lang siya.

Tin:         Seryoso?

Topet:   Kaya pala mapanghi.

Tin:         Oo nga.

Matatahimik ang lahat. Magsisimulang kumain ulit si Josh at Topet ng tinapay. Babalatan naman ni Tin  ang manggang dala nito para sa kanilang magpinsan. Magsisimulang kumanta si Karl sa banyo.

Topet:   Talented?

Josh:      Scholar yan. Engineering course nyan sa pasukan. Nadelay lang pumasok kasi nagexchange student sa States.

Topet:   ‘Yes!’ alam kong engineering siya and ‘Talaga?’ nagexchange student siya.

Josh:      Cool noh?

Issa:       At least siya may achievements, ikaw? Varsity nga, Chess naman. Ew.

Josh:      Ewan ko sayo.

Issa:       (kay Topet) Gwapo ba siya?

Topet:   Malay ko! Bakit ko naman malalaman kung gwapo siya? Excuse me! Hindi ko nga siya tiningnan eh!

Issa:       I’m just asking.

Tin:         Mangga, anyone? May bagoong pa!

Topet:   No, Thanks. Malansa. Ayoko ng malansa.

Nabulunan lang si Josh sa katatawa.

Issa:       Ano nga? Gwapo?

Mapapatingin ang lahat sa CR dahil lalabas si Karl na nakatapis lang habang hawak ang damit na mapanghi. Ngingiti ito sa lahat.

Karl:       Andyan pala kayo. Hello. Karl nga pala.

Walang magsasalita. Kakain sina Issa at Topet ng malaking tinapay.

Josh:      Akyat ka na! Magbihis ka nga, nakakahiya sa mga kasama nating babae. Makikita fats mo.

Karl:       (kay Issa) Sorry about dun sa kanina. Hindi ko kasi alam kung saan yung CR.

Issa:       It’s OK. (sabay subo ng isa pang tinapay) I’m Issa nga pala.

Karl:       So, we’re ok na?

Issa:       Oo naman. I just over reacted.

Josh:      OA ka nga kasi.

Karl:       Sorry talaga ah. (kay Tin) So, ikaw yung cousin ni Issa.

Tin:         Yes. Tin.

Karl:       Hi. Sige. Akyat na ko.

Nakatitig ang lahat sa pagakyat ni Karl. Susunod si Joshua sa kanya. Mapapatitig si Topet kawalan.

Topet:   I’m Topet by the way.

Tin/Issa:               We know.

Topet:   Bawal ulitin?

Ngingiti lang si Topet habang kumakain ng malaking tinapay.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment